Mojacko and Doraemon

Mojacko and DoraemonI Hate fridays! Nakakainis ang araw na ito. Kung hindi man lang sana sa napakahalagang okasyon na pupuntahan ko bukas, malamang wala ako sa mall na ito at nakikipagsiksikan sa mga tao.  Thinking of him, kailangang magmadali ako para hindi ako maabutan ng traffic pauwi.

Dali-dali akong nagtungo sa department store. Napangiti ako nang makita ko ang display ng cartoon character na gusto ko. I stopped as i search for the best stuff toy for him.  Saktong dadamputin ko ang stuff toy noong naunahan ako ng isang kamay.

“Hey! Hey! Ako ang unang nakakita diyan kaya ibigay mo sa akin.” Sita ko sa kaniya.

“Sorry, Miss! Ako ang unang nakakuha kaya akin ito.  May choices pa naman pumili ka na lang ng iba!”

Antipatiko ang hinayupak! Nairita ako lalo.  Pakiramdam ko nga ay lumagbas na sa 37 degrees Celcius ang temperature ng ulo ko!  Dinaig pa ang temperatura ng araw kanina.”Mr. Bakit hindi na lang ikaw ang pumili?  Lalaki ka naman kaya baka gusto mong bilhin ang karapat-dapat na kulay para sa iyo! Unless…” Sinadya kong putulin ang sasabihin ko sana.  Kung may T siya maintindihan niya ang ibig kung sabihin.

“What’s wrong with this color?” Nalilitong tanong niya.  “Ito naman talaga ang kulay ni mojacko diba?” Ngiik! Napangiti ako ng tabingi.  Hmp! Magiging Love ko na ata ang FRIDAY kung lagi akong makakatagpo ng isang katulad nito.

“Walang mali sa kulay! Ang mali ay hindi iyan si Mojacko! Si Mojari iyang hawak mo kasi kulay pink!”

Tinitigan niya ang stuff toy! He scratch his head upon realizing na tama ako. “O sayo na iyan miss sungit.” Aniya at ibinigay sa akin ang stuff toy.  Gusto kung pumalakpak dahil nagtagumpay ako.  Nairita ako nang mapagtanto ko ang sinabi niya.  “Kung ako si Ms. Sungit, ikaw naman si Mr. Bopols!” Mahina kung sinabi sa kaniya at lumipat ng stall.

I was to grab Mojari’s brother, Mojacko when another pick up it first before me.  Ano ito deja vu? Inihanda ko na ang sarili ko para mag-taray pero napanganga ako!

“What is with Mojacko at pinag-aagawan natin siya?” Tanong niya. “Look, Miss. I have an appointment at seven o’clock and i’m rushing out of time.  Can you just spare me with your nag at ibigay mo na lang si Mojacko sa akin?” Paki-usap niya.  Well, i would like to believe in him na sana.  Pero, the way he say those words is mixed with arrogance.  Sigurado ako kung ano ang susunod niyang sasabihin.

“Just give your conatact numbers at papadalhan na lang kita this week!”

See? Tama ako di ba.  “Eh may pambili ka pala ng iba bakit di mo na lang ibigay sa akin iyan?” Nanunubok na sagot ko.

Inihilamos niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha. “Do you understand the word “NOT ENOUGH TIME?” Naiiritang tanong niya sabay sipat sa kaniyang relo.  I don’t care kung magmukaha man akong timang na walang utak wala akong paki-alam. Basta ang akin ay akin at kailangang makuha ko iyon sa kaniya.

“I’m sorry! Kasi hindi kasing-taas ng pinag-aralan mo ang pinagaralan ko Mister!” Sarkastikong sagot ko.  “Since marami ka naman pambili tulad ng sinabi mo, I’m sure makakita ka pa ng di hamak na mas maganda, mas mahal at mas matibay kaysa diyan sa hawak mo!” At tinangka kung agawin sa kaniya ang stuff toy. Diyahe! Nakalimutan kong banggitin na higante pala itong kaharap ko.  Kaya nagmukha akong naglalaro ng pabitin sa ginagawa ko.

Ewan! Pero sinasadya atang itaas ng higante ang stuff toy.  Nainis ako at tinadyakan siya sa paa.  Napaigik siya! I cursed silently. I have realized na hindi ako mananalo sa higante na iyon.  Kaya iniwanan ko siya at pumunta sa stall ni Doraemon.  Sabagay bilog din naman si Doraemon. Kaya lang may paa eh!Pero okay na rin ito at least hindi siya malayo kay Mojacko ng functions!  I just hope na magustuhan ni Miko ang gift ko sa kaniya.  Dala-dala ko si Mojari at Doraemon at pipila na sana ako sa Counter noong matanawan ko ang higante doon.  Ayokong uminit pa ang ulo ko baka convulsion na ang aabutin ko. So, I change my direction at naghanap ng ibang counter.

Haiist! Hindi ko na talaga matutunang mahalin ang FRIDAY!  Dahil sa imbiyernang nangyari sa akin, nangyari nga ang pinakakayawan ko tuwing friday. Traffic! Walang masakyan! Mainit! at Nakakairita! Bakit kasi pinili pa ng mga taong Sosi ang maglalabas sa mga araw na ganito. Sige na nga! wala na akong kiber kasi ako rin naman nasa labas kaya sosi na rin ako! hehehe! Addict lang ng trip ko ngayon.

Sabado. kababa ko lang sa sinakyan kong taxi.  Narito ako ngayon sa malawak na lawn ng kuya alexis ko dito sa may McKinley hills.

“Mommy Ninang!”  Narinig kong tawag sa akin ni Miko! Nakita ko siyang tumtakbo papasalubong sa akin!  Niyakap niya ako sa binti.  “Dala mo ba yong request ko, Mommy Ninang?” Naka-puppy eye na tanong niya sa akin.

“Siyempre naman birthday boy! Pero pasensiya ka na ah! Kasi may paa yong bilog na nabili ko eh! Higante kasi na nakialam.” paliwanag ko!

“Really, Mommy Ninang? Nakakita ka ng giant? Is he Big like Hulk?”  Di makapaniwalang tanong ni Miko. Natampal ko ang aking noo when i realized what i said.  Di ko naiisip na three years old pa lang si Miko at lahat ng napapanood niya ay aakalain niyang totoo. Napatawa na lang ako.

“No baby. He is not Hulk look-a-like. He is just like you, me and your Mom and Dad. Ang kaibahan lang  mas malaki siya sa Dad mo.” I explain. Children are adorable. Pero kung minsan nakakiritang mag-explain ng mag-explain sa kanila.

“Ah!” Sagot niya. Hindi ko sigurado kung naintindihan niya ang sinabi ko. “Daddy Ninong!”

Kaya pala. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tinawag niyang Daddy Ninong. Knowing Miko, alam kong hinahanapan na naman niya ng pair ang kaniyang Mommy Ninang.

“Leigh! Narito ka na pala! Hinihinatay ka na ng Kuya Alexis mo sa loob.”

Nakipag-besobeso muna ako kay Avery. Kung makapagsalita naman ang bruhang ito parang hindi kami magka-edad ah! Nakalimutan na niya siguro na dahil sa akin kaya nagkakilala sila ni Kuya Alex.

“Leigh, May ipapakilala ako sa’yo! Remember yong best friend kong si Rand?” Itinirik ko ang aking mata.  Heto naman po kami!

“Kuya, Not again! Please! Ayokong makaranas ng panibagong disaster ha!” Sabi ko. Hobby kasi ng mag-asawang ito na hanapan ako ng partner.  Kaya pati si Miko ay nakikigaya na rin sa kanila.

“No! He is different!  This time, itataya ko yong favorite character ni Miko!”  Sabi niya.

Sama namang magulang nito. Gusto yatang maglupasay si Miko ah.  Siyempre dahil sa ako ang nag-impluwensiya kay Miko na magkagusto sa bilog kaya alam ko na kung ano iyon at di ko na kailangang i-bribe.

“Pare!” Narinig kong bati ng lalaking dumating. Alam kong ito ang tinawag ni Miko kanina na Daddy Ninong kahit di ako lumingon.

“Pacensiya na. Muntikan na akong hindi nakabili ng gift para kay Miko. Buti na lang natanaw ko ang isang magandang chicks na papunta sa mga bilog kaya naalala ko.”

Napantig ang eardrums ko sa narinig ko.  Kinabahan ako kaya bago pa ako mamatay sa matinding suspense agad na akong lumingon. At tama ang hinala ko.

“Walang hiya ka! Sinasabi ko na nga ba’t nanadya ka eh! Kinuha mo pati ang paborito kong bilog.”  Ewan basta feel kong magtaray ngayon. Nagulat naman ang lalaki sa biglaang outburst ko.

“Ikaw?!” Di makapaniwalang tanong niya.  “I’m sorry miss. Actually di ko kasi alam ang itsura ni Mojacko eh. Kaya noong marinig kong tinanong mo ang sales lady kong nasaan si Mojacko sinundan na lang kita. Palagi kasing ikinukwento ni Miko ang Mojacko at iba pang bilog na stuff toys. Si Mojacko kasi ang bukambibig niya kaya inakala kong iyon ang favorite niya.”

“Ang sabihin mo, mangaagaw ka! Selfish at Makasarili!” Bulyaw ko. Ngiik! The same lang pala ang ibig sabihin noong dalawa. Ang bopols ko naman.

“Daddy Ninong!Mommy Ninang are you quarelling?” Singit ni Miko sa amin. Nakatulala na lang ang magasawa sa inasta namin.

“No Baby!” Sabi ko at inilahad sa kaniya ang aking kamay para kargahin siya.  Di naman ako binigo ng guwapo kong inanaak!

“Can I open my gift now!”

“Of course!”Halos nagsabay kaming sumagot.  Pumasok kami sa loob dala-dala ang regalo namin sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang regalo ko.

“Pacensiya na baby. Inagaw kasi ng Higante mong ninong ang gift ko kaya biglang nagkaroon ng paa. Pero magkatulad lang naman sila ni Mokacko ng kayang gawin eh!” Paliwanang ko. Pero imbes na matuwa nakita kong mangiyak-ngiyak ang aking pangkin. Mas lalo akong nainis sa Higante na to.

Dahil siguro sa kabiguan sa akin ni Miko. Hindi na niya pinuri si Doraemon. Kaya tumakbo siya kay Higante.

“Can we open it?” tanong niya.  Nakakalahati na siya sa pag-bubukas ng gift ng bigla na lang umiyak si Miko.

“Hindi ko naman favorite iyan eh!  Favorite ni Mommy Ninang si Mojacko. Si Daddy Ninong naman ay si Doraemon! Bilog din naman si Angry Birds ah!”

Nakita kong napakamot ng ulo si Higante.  Samantalang pulang-pula naman ako sa nalaman ko. Siguro mahal lang ako ng pamangkin ko kaya dinadamayan niya ako sa panonood ng Mojacko kapag walang pasok sa Ofis.  See? Sino ba ang nagsabi na pangbata lang ang cartoons?

“Okay. Ibigay na lang natin ito kay Mommy Ninang. Tapos si Doraemon naman kay Daddy Ninong!  Tapos ito ang gift namin ni Mommy sa’yo oh!”

Nagtatalon si Miko ng makita niya ang napakalaking suff toy na angry birds na Red and Blue.

“Baby, you like angry birds very much?” Tang ng higante sa kaniya.

“Very Much Daddy Ninong.”

“Wait for me here! May Kukunin lang ako sa Kotse.”

Pagbalik niya nakita kong dala- dala niya ang kaniyang ipad at anim na maliit na angry birds.White, yellow, blue, black red, and green.  ”

Naiwan ito ni Eunice nong inihatid ko sila sa airport. Sabi niya akin na lang. Ito na gift namin ni Mommy Ninang mo sa’yo ha! At itong ipad para may laruan ka.  Good Boy ka naman di ba? You know How to Play it diba?”

Mabait pala ang Higante na ito.  Kasi isinama niya ako sa gift niya. Teka. Parang… Naisahan ako ng mga ito ah! Tiningnan ko siya ng matalim pero tumawa lang siya at kinindatan ako. Inirapan ko ang mag-asawa. Pati si Miko ay pumapalakpak at sinasabi niyang “Mommy Ninang, can you and Daddy ninong give me a cousin-playmate?” Puppy-eyed na tanong ni Miko.

Two Months later.

Nag-riring ang phone ko. Naghahanda na akong matulog pero dahil hindi pa siya tumatawag ay naghintay muna ako. Kahit di ko tingnan ang aking mobile alam kong siya yong tumatawag.

“Heart! Dapat pala binaon ko na lang si doraemon. Siguradong di nanaman ako makatulog nito!” Hindi pa ako nakakapag-hello ay iyon na ang bungad niya sa akin.

“Teka. Sigurado kang si doraemon ang namimiss mo. Umayos ka!” Nakalabi kong tanong sa kaniya.

“Siyempre ikaw! Eh ayaw mo namang sumama sa akin kaya si doraemon na lang para pag kasama ko siya eh naaalala kita kasi sayo galing iyon eh!” Naglalambing na sagot niya.  Knilig naman ako sobra pero kailangang tampo-tampohan muna ako.

“Arte mo! Hoy Mister, Hindi mabenta ang alibi mo sa akin.  Gusto mo si Doraemon na lang ang asawa mo?”

“Misis naman. Aawayin mo na naman ako eh. Namiss mo rin ba ako? Sige na yakapin mo na lang din si Mojacko at isama mo na rin si Doraemon. Alam ko kung saan nanaman patungo iyan.”

Hindi na ako umimik. Kung ganon na ang salita niya ay hindi na ako sumasagot.  Kasi magunahan na sa pagtulo ang aking mga luha.  Pesteng hormone naman ito eh. Totoo pala na ang buntis ay emotional lalo pag naiiwang mag-isa. Isinasama naman niya ako kaso maselan kasi ang pagbubuntis ko at di pwede ang matagal na biyahe.

Siguro Nagtataka kayo kung ano ang nangyari. Ang kaibigan kong si Avery at Pinsan kong si Alexis ay i-sinet-up ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam na matagal na akong kilala ni Rand pero nanatili kasi sa ibang bansa ng dalawang taon para sa masteral niya sa Stockholm University. Pag-balik niya ayon na ulit. Kinilig lang ako kasi alam pala niya na angry birds ang favorite ni Miko pero binili niya si Mojacko para sa akin kaya napilitan akong bilhin di doraemon kasi hindi ko kilala si angry birds. Di naman ako naglalaro kasi noon eh.

Well, ito na ang ending ng pag-iibigang nagsimula kay Mojacko at Doraemon.

—end—ella

Advertisements

Lonely is the night, so with my inspiration

OLYMPUS DIGITAL CAMERAWhy, oh why? Why? I have done my best to stay on top.  I tried all the things that will help me to survive. Why, I found myself  staring on the starry lonely night.  Will i forever be empty? Will i  forever  be searching for the best yet to come?  Will i forever be reaching for the unfulfilled dream?  Will i forever be dreaming for  untouchable dream?

Why,oh, Why?  I believed that I have done my best? But my best is not good enough!  When will i be able to fulfill the dream that will help me to be alive?

Why, Oh Why? Lonely is the night, so with my inspiration.

Is this just a dream?

Panaginip sabi nila ito ay kathang isip lang o kaya anila bungang-tulog lamang. Pero paano kung ang panaginip ay nangyayari sa totoong buhay. Paano wala sa hinagap mo na nangyayari na pala sa totoong buhay. 

May panaginip ako at iwan ko kung kathang isip lamang ba o hindi. Ang estatwa daw ni liberty ay tinamaan ng mala-rocket na galing sa taas. Nalaglag daw ito sa lupa at nahati sa dalawa.  At dahil doon, ang mga tao sinimulang pulutin ang buhangin ng oras.  

Kailangang isulat ko ito para kung sakali na isa itong prophesiya ay mabalasa.  At kung hindi man sana magsilbing babala para sa mas malalim na pagninilay ng kaisipan.

Dearest, Paano ba?

Dearest, paano nga ba?

Pinapanood kita habang ikaw ay abala sa iyong gawain,

gusto kong tumayo at ika’y tulungan,

naawa ako tuwing aking nasisilayan ang kulubot na kamay

habang pilit mong inaabot ang pakete sa isang sisidlan…

Gusto kong tumayo at abutin ito para sa iyo,

pero, paano ba? paano ba kita matutulungan?

minsan, naririnig ko ang paghikbi na pilit sinusupil at sa aki’y ayaw iparinig,

ngunit aking namamalas ang pagsisi na sa pilit itinatago ng mabini mong ngiti at nang kagandahang minsa’y ipinagmalaki mo rin noong iyong kabataan,

hindi mo rin naitago ng ika’y humahagulgul sa tuwa ng manalo si Venus Raj sa pageant, o noong nagsasalita ang mga feminista sa telebisyon,

naisip ko pinapangarap mo siguro na sana ay naging ganon din ako…Na sana ay normal din akong katulad mo at nila.

Hindi ako makakilos, ni makapagsalita, ang tangi ko lang nagagawa ay ikurap ang aking pilik-mata,

dearest matanda ka na, gusto kitang alagaan, gusto kong sabihin na ako naman, pero paano ba? paano ba kung wala na akong ginawa kundi humiga, kundi ipamukha sa iyong nagkamali ka! ayaw kitang sisihin, at ayaw rin kitang sumbatan…..magagawa ko ba iyon???

batid ko naman na nagsisisi ka!!! Malupit ang naging hatol ng tadhana sa ating dalawa.  Nahihirapan ka, alam ko!!!Gusto kong sabihin sa’yo na sana nag-isip ka! Huwag mo sana akong binuo sa simula kung noon pala ay ayaw mo sa akin. Na noong lumipas ang kapusukan, ninais mong ako’y kitlin at iwaglit sa’yong buhay!!!Nasa sana bago ka naging mapusok, ay naisip mo ako at ginawan ng paraan para hindi ako nabuo.

Dalawang dekada na ang lumipas, hayan ka, heto ako…sa isang abang dampa na siya nating kalinga…magsisis ka man wala akong nagawa, at ako’y nanghihinayang na sana bumitiw ako noon nong hindi mo pa ako nakikita para di ko na nasaksihan ang paghihirap mo aking sinisitang ina!!!