Dear Parents and Incoming Co-ed

inspired lang. I hate math pero di maiwasan kasi iyon ang ikinabubuhay ko. Kung may chance sana noon, maybe iba ang naging tadhana ko.
DEAR PARENTS AND INCOMING CO-EDS,
Graduation mode na naman….

Ilan kayang mga batang senior high ang magpapatuloy sa pag-aaral dahil iyon ang GUSTO nila…(Gusto because interesado, talentado at kaya ng brains),

Ilan din kaya sa mga incoming co-eds, ang pwenersa ng magulang na kumuha ng KURSONG PINANGARAP NG MAGULANG NA HINDI NATUPAD kaya ipapagawa sa anak kahit hindi GUSTO, DI KAYA NG BRAINS at NG Bulsa,
Ilang porsyento rin kaya ang mag-aaral lang dahil ayaw mautusan at magtrabaho, Inshort LUSTAY PERA LANG,

Ang kukuha ng kurso dahil iyon ang uso at shifter din sa susunod na semestre….
Ilan din kaya ang GUSTONG MAG-ARAL PERO ‘LA PERA, Iyong palihim na umaasam at naiinggit sa mga Co-ed na.
Ni-post ko ang katanungan ito para sa inyong mambabasa. Mahal ang tuition fee sana maawa kayo,

Maawa ka magulang sa ANAK at huwag mong i-pilit ang iyong gusto,

Ikaw din ang magdusa kong anak mo’y magluko,

Mahirap magtapos sa KURSONG DI NILA GUSTO,

Maniwala ka Nanay di Sila masaya sa edukasyong nakamit nila.
Maawa ka ANAK, Sa iyong Ina’t Ama,

Mahirap kumita ng pera para mapaaral ka.

Pahalagahan mo ang bunga ng pawis nila, 

Magtapos ka, Magtagumpay, at Tayugan ang pangarap,
Ikaw na UMAASAM na mag-aral huwag kang SUMUKO.

Alalahanin mo na hindi lahat ng MAYAYAMAN sa buong mundo ay GRADUATE SA KOLEHIYO.

Gamitin ang Talento sa ikakabuti mo.

Manalig ka sa sa KANIYA, at makamtan mo,

Ang pangarap mong Asenso.

Advertisements