Month: January 2017

When to apply for a postpaid plan?

Naiingngit ka ba sa mga kakilala mong naka-post paid plan? Sila naka-smart phone at ikaw na lang ang hindi? Tapos naiintriga ka. Kasi sabi nila sa maliit na halagang babayaran mo monthly maari ka na ngang magkaroon ng iphone. At higit sa lahat, kung credit card holder ka, mabilis na lang ang procesing niyan. Minutos lang, may iphone ka na. Pero kailangan ba talagang mag-apply para sa post paid plan.

Basahin mo muna ang blog na ito para malinawan ka.

1. Network provider. Naglipana ang maraming advertisement ng mga network provider. Kung i-avail mo ang data plan na ito, ganito ang matatanggap mong item. Nakakalula di ba? Sa maliit na halagang ibinabayad mo buwan-buwan dalawa na ang gadgets mo. O dili kayo may iphone ka na. Dahil wish mong magkaroon ng iphone na-enganyo ka na. Pero ang tanong sigurado ka bang may signal ang provider na iyon sa location mo?

Kung kukuha ka ng postpaid plan, alamin mo muna kung ano ang malakas na signal sa locasyon mo. Balewala ang postpaid plan at yong mga data bundles na kasama dito kung hindi mo naman magamit ng husto. Alalahanin mo na may lock-up period ang mga postpaid plan. Hindi mo basta pwedeng i-cut kung di mo na gusto ang serbisyo. Kasi pababayaran sa’yo amount ng postpaid plan multiplied by number of months ng remaining lock up period. Halimbawa: 500 post paid plan mo at naka-lock up ka ng 24 months at ang ntapos mo lang ay 2 months, kunin ang papel at lapis. Malalaman mo kung magkano. Plus service charges na di ko rin maintindihan kung bakit.

2. Contact network.  Isaalang-alang mo rin ang bilang ng contact network. Ito iyong bilang ng mga contact numbers na tatawagan mo. Kung karamihan sa mga kakilala mo ay nasa iisang network provider, dapat iyon ang kunin mong postpaid plan. Halimbawa, mas maganda ang ini-offer ng isang network at mas mabilis kang maaprove sa application. Ang tanong, sulit ba iyon sa’yo kung lahat ng kakilala at kaibigan mo ay sa ibang network naka-connect? Baka imbes na makatipid ka, lalo ka pang magastusan. 

3. Lock up period. Ang lock up period parang contrata (wala ka namang pipirmahang contrata talaga) ng network provider at ikaw na kumukuha ng postpaid plan na may kasamang gadget. Ito iyong agreement na gagamitin mo ang network nila sa loob ng ilang buwan. Kalimitan ang pinakamababang lock up period ay 24 months. Ibig sabihin, kung naaprove ang post paid plan application mo, kailangang mong bayaran ang monthly dues ng walang palya. Halimbawa, kung 500 ang data plan na kinuha mo, bayaran mo iyon kada-buwan sa loob ng 24 months. Nagamit mo man ang data plan o hindi ay kailangang bayaran mo iyon. Kasi mapuputulan ka ng connection kung pumalya sa pagbayad. Higit sa lahat, kahit mahina ang signal at hindi mo pinakinabangan ang postpaid plan, di mo iyon pwedeng isauli. Hintayin mong matapos ang lock up period.

Hindi ka rin pwedeng magload ng prepaid load kung ikaw ay naputulan ng postpaid. Kailangang bayaran mo muna ang amount due para maipagpatuloy mo ang postpaid connection.

4. Postpaid bundles. Kailangang pagtuunan mo ito ng pansin. Dapat iyong kukunin mong postpaid plan ay may kaaya-ayang bundles. Kung mahilig kang tumawag at magtext, piliin mo iyong bundles na unlimited call and text.  Ang ibig sabihin ng unlimited call and text, network to network lang. Hindi naman pwedeng unlimited call and text to other network. Mayroon namang network provider nag-offer ng ganun set up pero iisa lang ang mother company nila. 

Kung ikaw ay mahilig mag-internet, hanapin mo iyong network provider na mataas ang offer na data plan. Pero katulad ng sinabi ko, dapat malakas ang signal. Para hindi ka lugi. 

5. Application Requirements. Empleyado ka ba o negosyante?  Kung ikaw ay empleyado at may kumpletong identification card, qualified ka ng mag-apply ng post-paid plan.  Isama mo na rin ang proof of billing address at proof of income. Kung negosyante naman kailangan mong mag-provide ng identification card, proof of income e.g. audited financial statement, business registration, proof of billing address.

6. Cash out. Nakapag-decide ka na. Handa ka ng kumuha ng postpaid plan. Dapat mong malaman na may mga network na humihingi ng cash out. Hindi na ako updated sa presyo ngayon. Kaya magtanong na lang sa Telco Shops.

May option din pala para sa mga kukuha ng postpaid plan. May gadget na kasama at may roon din simcard lang. Kailangang magresearch din tungkol sa Technological Aspect ng Gadgets na bibilhin para sulit ang pera.

Advertisements

After Two years

Dalawang taon na ang nakalipas, ang tao’y naka-move-on na sa pangyayaring tumatak,

Pangyayaring naging kontrobersiyal, na naghatid ng pagdurusang emosyonal.

Emosyonal, sa mga pamilyang naiwanan, sa mga minamahal na umaasam na ang isang magiting ay babalik pa sa isang umagang paglisan.

Paglisan, papunta sa kaganapang walang katuturan,

walang katuturan, sapagkat ang tagumpay ay malayo at hindi matanaw ang pagsapit ng bukaw liwayway.

Maraming tao ang umiyak, namighati at nakiramay.

Nakiramay. Kunwarian lang ba o may kabuluhan?

Iyon ako noon. Ningas-kugon na pag-tugon,

Pagtugon na may paghahangad,

Paghahangad sa kwentong ilalahad.

 Ngunit sa paghahangad na iyon, ng makatang sawim-palad kaniyang natagpuan,

Ang kakaibang-uri ng pagkakaibigan,

Pagkakaibigang magmumulat, sa isang katotohanang inilahad, ng mga kwentong di pinapansin, ng mga taong dilat

Dilat sa katotohanan, sa bakbakang walang hanggan,

Sa ideolohiyang sumasaklaw, sa kinabukasang mapanglaw,

Katulad ng kwentong magiting, kapayapaan patuloy na aasamin,

Kwento ni Brod,

After two years ay iyon parin.

Gugulong sa kasaysayan, pag-uusapan ng mga kabataan, ang pighati ng mga taong nakasaksi at nakaalam, ay di na muling mararamdaman. 

Malalaman ng mga kabataan, na ang kadawian ng mga dakila’y makabuluhan, ngunit hanggang doon na lamang, pagkat ang labanan sa ideolohiyang di matawid ang katuturan ay gugulong lamang.