Month: August 2016

Ang hugot ng isang empleyadang aba

Walong oras. Iyon ang ginugugol ng isang emplyadang aba sa araw-araw upang magkaroon ng kakarampot na kita. Hindi alintana ang traffic at mga peligrong naglipana sa bawat araw na nakikisalamuha siya sa lansangan ng metro manila. Pagdatingsa bahay nakakaramdam ang empleyadang aba ng pagod at pagkahapo. Nagugutom at minsan nakakatulogan na lang ang gutom dahil wala ng lakas para magluto pa. Kinaumagahan, gigising na naman ng maaga. Ayusin ang dapat ayusin. Limiin ang dapat limiin. Ibilin ang mga karapat- dapat at ang mga bawal. Gora na naman ang beauty niya. At pagdating ng hapon kung may time pa siya, nagmumunimuni rin. Samahan niyo ako sa paglalakbay ng empleyadang aba.

Sa pagsapit ng gabi, katulad mo, katulad ko, teleserye ang kanlungan. Matapos niyang makipag

 

 

Advertisements

Sino nga ba ang nagkasala

Ako ay may kakilala,
Dalawang batang magkaiba,
Ang isa ay anak ng may-kaya,
Ang isa ay banaag ang pagiging dukha.

Sila ay magkaribal,
Kahit sa anong bagay,
Ang isa ay astang marangal,
Ipinagmamalaki ang propesyon at yaman ni inay at itay.

Yong batang may kaya,
Pambubully lang ang ginagawa,
Sa mga batang mas mahina,
Yong katulad ng batang dukha,
Na lagi na lang inaalipusta.

Napuno ang batang dukha,
Lumaban siya’t nakipagpambuno sa abot ng kaniyang kaya,
Nahuli sila ng principal at maestra, pinarusahan ang batangdukha.

Anak pala ng principala iyong batang may kaya,
Kick-out, ang naging husga sa batang dukha.
At yong anak ng principala,
Hayon! Nakapagmasteral pa nga!

Ngayon ang tanong ng isang makata,
Sino nga ba ang maysala,
Iyong batang may kaya o iyong batang dukha,
Isasagot ng marami pareho lang sila,
Pero naisip niyo rin ba,
Ang institusyong pinapasukan nila?

Lilipas ang taon, ang tulang ito ay tuluyan ng mababaon,
Pero ang hidwaan ng dukha ang may kaya ay tatakbo rin taon-taon.

Ang pakiusap ng manunula,
Sana kayong mga eskwela,
Institusiyon nawa kayong tutupad sa pangkalahatang pangarap,
Ng mga batang mayaman at mahirap.
Sana huwag parusahan basta ang mga batang itinuring niyong walang kwenta,
Gabayan at kalingain niyo ng sapat at tama,
Para pangarap nila ay matupad.

jhezellacritiquette