Month: May 2013

A Confession of A Dreamer

Part One

To some, it is insanity! Others call it psychological burden! To the righteous, it is lack of divine providence. I will say, think twice before you judge because you do not know where are they coming from. Dig deeper and try to understand.

Well, aminado akong hindi ko kayang magsulat ng straight at gramatically correct na sentence. Pero gumagawa ako ng post kasi gusto ko. Napakatagal na panahon na ikinulong ko ang sarili ko sa isang bangungot na ako lang ang nakakaintindi. Siguro sa mga psychologist sasabihin nilang ito ay isang uri ng disorder.

Bata pa lang ako madalas akong managinip ng mga lugar. Minsan nababaon sa aking nahihimlay na kaisipan ang mga panaginip na iyon. Pero may mga lugar na akong napupuntahan na bigla na lang akong kinakabahan. Bakit? Kasi pakiramdam ko parang nakarating na ako sa lugar na ito. Dahil alam ko naman na hindi pa ako nakapunta dito madalas binabalewala ko lang. Ngunit may isang pangyayari na makapagpapaalala sa akin na nangyari na nga ito saka ko lang naalala ang napanaginipan ko. When i am dreaming, i am restless. There are events in my dreams that i am afraid of. Kaya nagigising akong hindi natatapos ang aking mga dreams. Siguro, ito ang sinasabi nila na nagtratrabaho ang sub-concious mind habang natutulog. At kapag tayo ay gising hindi tayo aware na sinusubukan nating sundin at gawin ang alin mang pangyayari na naimbak sa ating sub-concious mind. Ganito ang paniniwala ko. Likas akong palabasa at mahilig mag-research. Naniniwala rin ako na hidden aspirations ng ating puso at isip ang mga panaginip. Kaya, madalas kapag nagigising ako ay tinatawanan ko na lang ang alinmang panaginip na fresh pa kapag ako ay nagigising. Bakit nga ako hindi matatawa? Alam kong suntok sa buwan ang mga ito. Sa realidad kasi alam kong imposibleng mangyari ang mga napapanaginipan ko.

Pero habang ako ay tumatanda, mas nagiging matingkad ang laman ng aking mga panaginip. Nariyan ang isang matandang babae na laging kumakausap sa akin. Na sa alinmang problemang mayroon akong iisipin napapanaginipan ko siyang sasabihin ang ganito, “Manalangin ka ng tatlong Amami, at Tatlong Ave Maria.” Natatagpuan ko ang sarili kong sinusunod siya at pagkatapos nararamdaman kong may kasagutan ang hiling ng puso ko. Maalala ko pa, Second year high school ako noon at nag-aaral sa isang public school. Isang biyernes ng hapon, nadatnan ko ang aking ama na nag-aararo. Sinabihan ko siya ng ganito, “Pang, aniya dayta ar-aradwem, pagmulaan ti tabako?” Alam kong parang tanga lang ang katanungan ko kasi sa panahong iyon dapat malalago na ang mga palay pero August 1997 na wala pa ring ulan. Walang irigasyon sa amin. Umaasa lang kami sa tubig-ulan para makapananim. Natulog ako sa gabing iyon na mabigat ang dibdib. Iniisip ko kasi na hindi na makapananim si papang at pag nagkaganon wala kaming kakainin para sa susunod na taon.  Lumipas ang magdamag na wala pa ring ulan.  Sa katanghalian, problemado ako. Aalis nanaman ako kinalunesan at wala pa ring ulan. Umidlip ako ng bahagya. Nasa gilid ko lang ang mamang at papang ko. Worried ako.Naisip ko ang ganito, “Apo, ania kadi ti aramidek tapno agtudo.” Naririnig ko pa ang usupan sa paligid ko. Alam kong hindi pa ako tulog (kasi malalim at mahaba ang tulog depinisyon ko sa tulog) ng may humawak na matandang babae sa paa ko. Hindi ako makagalaw sa takot. Siguro iyon na ang sinasabi nilang bangongot. Sabi niya “Agkararag ka ti Tallo nga Amami, ken Tallo nga Ave Maria.” Dahil sa takot ko sinunod ko siya. Ang diwa ko gising pero di ako makagalaw. Ganito ang ginawa ko, Amami tapos Ave Maria ng tatlong beses. Pagkatapos kong manalangin, naramdaman ko ang malakas na pagaspas ng mga dahon ng saging sa aking ulunan at ang paggalaw ng mga dahon ng nara na noon ay hindi pa masyadong malago. Nagulat ako at napatayo. Ang lakas ng ihip ng hangin. Nag-iisa na lang pala ako. Agad akong pumunta sa bukid na takot na takot.Nadatnan ko ang mga magulang at kapatid ko inatanggal nila ang mga tumubong kulitis na matindi kung makatinik. Para da hindi mapinsala sa mga magbubukid pay may ulan na. Tinanong nila kung bakit ako sumunod sa kanila sabi ko wala. Maya-maya pa ang naagandang sikat ng araw ay natabunan ng madilim na ulap. Kumulog at kumidlat. Bumuhos ang malakas na ulan. Sa hapong iyon, nagdulot ang ulan ng sapat na tubig para makapagsaka si Papang.

Hindi ko pa rin pinansin ang pangyayaring iyon. Binalewala ko lang siya. Hindi madaling maniwala ang aking utak sa mga bagay-bagay. Wala akong pinagkwentuhan sa naging bangungot ko. Kasi tulad ng dati, naniniwala ako na bunga lang ng katakawan ko sa tulog ang nangyari at isa pa iyon ang iniisip ko bago ako makaidlip.

June 1998. Ibinalik kami nina Papang sa dati naming School ni kuya. Inilipat niya kami sa public high school noong ako ay second year high school kasi naghihirap kami. Pero sa school year na ito, nagpasiya silang i-enroll kami sa dati. Mas malapit kasi ang school na iyon sa amin at hindi na namin kailangang tumawid sa ilog para makapasok. Pero nangyari ang isang bangungot na nagdulot sa akin ng pagdudududa sa aking sarili. Nagpasya sina Papang at Mamang na patirahin kami sa school dormitory. Seperate ang lalaki at babae. May katandaan na rin ang Dormitoryo na iyon na saka lang natitirahan pag school year. Usap-usapan na may namamahay daw sa lugar na iyon na hindi kanais-nais. Pero dahil skeptical nga ako sa lahat ng bagay, sabi ko ‘diak pati diak kita.’ May bagong dating na studante sa dorm. Naging Close kami at ako ang ate-ate niya. Magkatabi kami ang singe na double-deck bed namin. Itinuro ko sa kaniya kung paano ang gagawin pag bago sa isang lugar para daw huwag bangungutin. May isang haliging malaki sa pader sa paanan namin. Bale nakagitna siya ng paa naming dalawa. Kinatok ko ng tatlong beses ang pader kasi iyon ang turo ng mga ate kong tumira na rin ng matagal doon. Hindi pa ako nakakidlip ng may naramdaman akong malamig na sa paa ako. Walang aircon o elctric fan ang dorm.  Nanginginig ang kalamnan ko. Ayaw kong ipahalata na may nararamdaman ako. Pero nanginginig na ang buong katawan ko kaya hindi ko na maiwasang magsigaw. May nararamdaman akong babae na humahawak sa akin. Ng gabing iyon nabulabog ang buong dormitory kasi sigaw ako ng sigaw. Lumalabas ang kakaibang tunog sa akin. Hindi ko matanggap ang nangyayari sa akin. Sabi ko, katoliko ako! katoliko ako! layuan niyo ako. Hindi pwedeng mangyari ito. Sabi ko pa, matalino ako at hindi pwedeng mangyari ito.  Pero hindi nabigo ako. Hiyang-hiya ako lalo na at nangyari ulit sa loob ng simbahan ang naganap kagabi. Hinusgahan ako ng mga tao. Sabi nila may family problem daw ako, sabi ng ilan nababaliw na daw ako. Epekto daw iyon ng pagiging anemic ko. Pinauwi ako sa bahay. Nagpahinga ako ng isang buwan at niresetahan ako ng doctora ng vitamins para sa anemic.

Pagkatapos ng isang buwan, pumasok ulit ako. Kung tahimik na ako dati naging mas tahimik ako. Dahil sa nangyari naging mababa ang tingin ko sa sarili ko. Alam kong ayaw man iparamdam ng illan sa mga kaklase ko alam kong pinagtsitsismisan nila ako.  Ang epekto sa akin, naiilag ako sa kanila. Hindi ko alam kung anong pagkikipag-bonding ang gagawin ko. Yong dating pwesto ko sa ranking ay bumaba kasi marami na akong hindi nasundang subject sa chemistry at math. Nahihiya ako kasi naging popular ako sa school. From first year to Fourt year.  Hindi popularity na tinitilian kundi popularity na iyan, nasapian iyan. Ngingitian nila ako pero pakiramdam kong naiilang sila sa akin baka sinundan daw ako sumapi sa akin.

May ilan din na naka-unawa. Sabi nila last year daw(kasi transferee bale ako) may nangyari daw. Nagkasakit daw ang isa nilang teacher na hindi malaman ang dahilan.  Ilang reseta daw ng doctor ang ininum niya pero di siya gumaling. Hanggang sa nag-patingin sila sa Albularyo at nagpakain sa School. Iyon daw ang naging hudyat ng kaniyang paggaling. Nakahinga naman ako ng maluwag. Kahit papaano may iilan na nakaunawa na hindi ko ginusto ang nangyari sa akin. (ang hirap balikan ang isang pangyayaring gusto mo nang ibaon sa limot. Habang tinatype ko ang alaalang ito, parang nararamdaman ko nanaman ang takot na naranasan ko isang dekada na mahigit ang nakalipas. Kailangang tampalin ko pa ang aking noo para paalalahanan ang aking sarili na huwag bumalik sa lugar na iyon, baka makita ko nanaman ang diwa kong lumulutang at takot na takot. Pero kailangang magpakatoo ako sa sarili kasi sa haba ng panahon na iniipon ko sa dibdib ko ang pangyayaring ito, lalo lamang akong magkakaroon ng agam-agam sa aking sarili. Mainam na rin ang ganito para mapulot ko rin isa-isa ang nawala kong pagkato matapos kong masapian ng ilang beses. Nagpapasalamat ako sa wiccan series ni Ms. Elise Estrella kasi nagkaroon ako ng awakening. Sana lang mabasa niya ito. Marami pa palang kasunod ang kwentong ito. Iyong iba naging lucid ang dreams at nagawa ko siyang isulat sa hard bound pag nagigising ako at naaalala ko ang panaginip ko. Yong iba, nailagay ko sa isang network na di ko ma-access na. yong iba shout-out ko sa fb)

Part two

March 2000. Yehey! Sa wakas nakatapos din ako sa third year. Lupaypay ang aking balikat.  Wala na kasi akong pag-asang makapasok sa pwesto ko sa ranking. Unti-unti rin akong nakabalik sa dating ako at nagsimula na ring magkaroon ng friends. Magkaganon man, hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang naranasan ko noong nakaraang taon. Naroon pa rin ang agam-agam at takot na mangyari ulit iyon. Summer noong taong iyon, marami akong pangitain na hindi maganda. At sa lahat ng iyon, palagi kong kasama ang matandang babae sa aking panaginip. Nariyan ang eksenang itinuturo niya sa akin ang gamot para sa aking ama na noon ay dumadanas ng matinding sakit sa ulo. Ang nakapagtataka, kahit anong reseta ng doctor sa kaniyang na gamot ay di siya gumagaling. Naniwala tuloy ako na maaring migraine o ibang sakit ang dumapo sa kaniya.  Bagama’t lagi kong pinapanaginipan ang matandang iyon hindi ko sinunod ang sinabi niyang gamot kasi nakikita ko na marumi yong balon at hindi pwedeng inumin.

June 2000. Haist!  Fourth year high school na ako. Masaya na may halong panghihinayang ang aking naramdaman. Pagigihin ko man ang pag-aaral ay hindi na rin ako makahabol sa Honor roll. Wala na ang aking ultimate dream na masabitan man lang ng medalya ng papang at mamang ko. Nakaramdam ako ng inis sa patakaran ng eskwelahan na kung may line of seven ka nang grade ay automatic out ka na sa ranking. Pero wala naman akong magagawa kasi rules nila iyon eh. Ako ay isang hamak na estudante lang at obligadong sumunod o kaya rumespeto sa rule ng skwelahan. Pinag-igihan ko pa ang aking pag-aaral. Ang sabi ko sa sarili ko noon, hindi dito magtatapos ang lahat. Magka-college pa ako. Basta mag-enjoy ako sa last year ko sa high school.