Month: September 2012

Is this just a dream?

Panaginip sabi nila ito ay kathang isip lang o kaya anila bungang-tulog lamang. Pero paano kung ang panaginip ay nangyayari sa totoong buhay. Paano wala sa hinagap mo na nangyayari na pala sa totoong buhay. 

May panaginip ako at iwan ko kung kathang isip lamang ba o hindi. Ang estatwa daw ni liberty ay tinamaan ng mala-rocket na galing sa taas. Nalaglag daw ito sa lupa at nahati sa dalawa.  At dahil doon, ang mga tao sinimulang pulutin ang buhangin ng oras.  

Kailangang isulat ko ito para kung sakali na isa itong prophesiya ay mabalasa.  At kung hindi man sana magsilbing babala para sa mas malalim na pagninilay ng kaisipan.

Advertisements

Dearest, Paano ba?

Dearest, paano nga ba?

Pinapanood kita habang ikaw ay abala sa iyong gawain,

gusto kong tumayo at ika’y tulungan,

naawa ako tuwing aking nasisilayan ang kulubot na kamay

habang pilit mong inaabot ang pakete sa isang sisidlan…

Gusto kong tumayo at abutin ito para sa iyo,

pero, paano ba? paano ba kita matutulungan?

minsan, naririnig ko ang paghikbi na pilit sinusupil at sa aki’y ayaw iparinig,

ngunit aking namamalas ang pagsisi na sa pilit itinatago ng mabini mong ngiti at nang kagandahang minsa’y ipinagmalaki mo rin noong iyong kabataan,

hindi mo rin naitago ng ika’y humahagulgul sa tuwa ng manalo si Venus Raj sa pageant, o noong nagsasalita ang mga feminista sa telebisyon,

naisip ko pinapangarap mo siguro na sana ay naging ganon din ako…Na sana ay normal din akong katulad mo at nila.

Hindi ako makakilos, ni makapagsalita, ang tangi ko lang nagagawa ay ikurap ang aking pilik-mata,

dearest matanda ka na, gusto kitang alagaan, gusto kong sabihin na ako naman, pero paano ba? paano ba kung wala na akong ginawa kundi humiga, kundi ipamukha sa iyong nagkamali ka! ayaw kitang sisihin, at ayaw rin kitang sumbatan…..magagawa ko ba iyon???

batid ko naman na nagsisisi ka!!! Malupit ang naging hatol ng tadhana sa ating dalawa.  Nahihirapan ka, alam ko!!!Gusto kong sabihin sa’yo na sana nag-isip ka! Huwag mo sana akong binuo sa simula kung noon pala ay ayaw mo sa akin. Na noong lumipas ang kapusukan, ninais mong ako’y kitlin at iwaglit sa’yong buhay!!!Nasa sana bago ka naging mapusok, ay naisip mo ako at ginawan ng paraan para hindi ako nabuo.

Dalawang dekada na ang lumipas, hayan ka, heto ako…sa isang abang dampa na siya nating kalinga…magsisis ka man wala akong nagawa, at ako’y nanghihinayang na sana bumitiw ako noon nong hindi mo pa ako nakikita para di ko na nasaksihan ang paghihirap mo aking sinisitang ina!!!